Tuesday, 13 August 2019
SIZZLING STEAK RECIPE
Kung baka ang gagamitin, piliin ang pierna, kung baboy naman, piliin ang pigi.
PARAAN NG PAGLINIS NG KARNE:
1. Alisin ang mga litid sa ibabaw ng karne.
2. Hiwain ng pahalang ng tig-3 pulgada at hiwain ang gitna ng tig- 1 1/2 pulgada ang kapal.
3. Pitpitin ang karne sa pamamagitan ng likod ng kutsilyo at budburan ng meat tenderizer upang kumapit ng maiigi ang lasa.
4. Maaring gamitin ang sariwang katas ng hilaw na papaya.
TAGAL NG PAGLUTO:
Medium rare o half done - 7 minuto
Well done o fully cooked - 15 minuto
Ibabad ang karne ng kalahating oras sa mga sumusunod na sangkap:
1/4 tasang worcestershire sauce
1/4 kutsarang vetsin
1/4 kutsaritang pamintang durog
PARAAN NG PAGLUTO:
1. Kapag iihawin, huwag diinan ang karne nang hindi lumabas ang katas nito.
2. Pahiran ng kaunting mantika ang grill at ang karne bago ilagay ang karne.
3. Samantala, habang hinihintay maluto ang karne, initin ang steel plate sa ibang grill.
4. Lagyan ng kaunting palamuti gaya ng lemon o kamatis.
5. Ayusin ang steel plate upang mailagay dito kaagad ang nalutong karne.
6. Ihain kaagad habang mainit.
Subscribe to:
Posts (Atom)